Una sa Balita

PH Lady Volcanoes, gold sa Asia Rugby

0 147

PINUTOL ng Philippine women’s rugby 7s team ang mailap na misyon matapos sungkitin ang pinakaaasam na gintong medalya sa pagwawagi sa 2019 Asia Rugby Women’s Trophy Series na ginaganap na sa Gelora Bung Karno Sports Complex sa Jakarta, Indonesia.

Nilampasan ng Lady Volcanoes ang kanilang pinakamataas na pagtatapos sa torneo na medal­yang pilak nakaraang taon upang tanghaling kampeon sa torneo at tuluyang makatuntong sa pinakamataas na torneo para sa Asia Rugby Women’s Series.

Winalis ng 2nd seed na Lady Volcanoes ang lahat ng tatlong laro nito sa Pool B matapos unang­ gibain ang Qatar, 27-0, bago isinunod kinahapunan ang Laos, 24-0, noong Agosto 10.

Kinabukasan ay tinalo nito sa playoffs ang India, 19-12 bago inangkin ang nakataya na Cup kontra sa Indonesia, 26-7.

Napunta naman ang Plate sa Korea sa Asia Rugby Women’s Trophy Series habang ang Bowl ay nakamit ng Qatar.

Tumapos na ikaapat na pangkalahatan sa Top players si Alumi Ono sa pagtala ng 3 Try na isa sa pool at dalawa sa playoffs at 7 Conversion na tatlo sa pool at apat sa playoffs para sa kabuuang 29 puntos sa laro.

Ika-12 naman si Aldee “Happy” Denuyo na may tatlong Try na da­lawa sa pool at isa sa playoffs para sa 15 puntos kasama si Patrocinia Grace Duffy. Nasa ika-20 si Helena Indigne, Jacquiline Mae Lyden at Sylvia Tudoc na may iniambag na 10 puntos. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy