Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH internet speed tumaas sa world ranking

0 164

Umangat sa pang-10 spot mula sa 86th ang global mobile internet speed rankings ng bansa muna Enero ngayong taon.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), mula sa report ng internet access performance metrics provider na Ookla, nag-improve ang internet access na naitala noong 2020.

Nabatid na ang speed test ng Ookla ay pinaburan ng 140 bansa na kung saan nasa 100th ranking ang bansa sa fixed broadband glo­bal average category.

Kumpara noong December 2020, ang resulta ng Ookla nga­yong January 2021 ay nasa 4.10% increase mula sa 31.44 Mbps na fixed broadband at nasa 14.53% mula 22.50 Mbps sa mobile base sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang lahat ng telco services sa bansa para masiguro na mabilis ang internet speed.

Patuloy na tumutulong ang pamahalaan sa telcos para sa kanilang infrastructure. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.