Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH hindi puwede mamili ng bakuna-Galvez

0 214

Dahil sa limitadong supply ng vaccines hindi umano maari na pumili ng isa o dalawang brand ng vaccine ang gobyerno.

“We have been pursuing a portfolio strategy and are negotiating with seven vaccine manufacturers,” ayon kay National Policy Against Covid-19 chief implementer and vaccine czar, Secretary Carlito Galvez.

Nanidigan rin ang opisyal na wala silang pinapaborang brand.

Kabilan na sa pitong vaccine manufacturers ang Serum Institute of India for Novavax, AstraZeneca of U.K., Pfizer of the U.S. and Germany, Janssen J&J ng U.S. at Belgium, Moderna ng U.S., Sinovac of China, at Gamaleya ng Russia.

Kasabay nito ay tiniyak ni Galvez na mga vaccine lamang na pinayagan ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang ibibigay sa publiko.

Gayundin,sinabi ni Galvez na naayon sa mahigpit na protocol ang gagawin pagpili,pagbili at implementasyon ng mga COVID19 vaccine para matiyak na magkakaroon ng transparency at accountability. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.