Una sa Balita

PH election fake news babantayan ng Facebook

By
0 350

NAKAHANDA umanong protektahan ng social media giant na Facebook ang inte­gridad ng nalalapit na midterm elections sa Pilipinas sa Mayo.

Sinabi ni Kathie Harbath, director ng Global Politics and Government Outreach team ng Facebook, sa press briefing na nagsisimula na sila sa kanilang kampanya na maprotektahan ang halalan sa pamamagitan ng pag-alis sa mga fake account at fake news.

“The goal of Facebook in elections is to make it harder to interfere with elections on the platform, and easier for people to make their voices heard in the political process,”ayon kay Harbath.

Nakatutok umano ang FB sa limang pamamaraan para mapanatili ang inte­gridad ng halalan. ­

Sinabi ni Harbath na imo-monitor ng FB ang lahat ng pang-aabuso at hindi maayos na asal na maaaring isagawa sa panahon ng halalan tulad ng misinformation, misrepresentation at pakikialam ng mga dayuhan, phishing, harassment, at mga violent threat.

“We have dedicated teams working on every upcoming election around the world. It’s incredibly important to us as a company that we get this right,” dagdag ni Harbath.

Sinabi rin ng Facebook na masusi ­silang nakikipag-koordinasyon sa Commission on Elections (Comelec) para sa maayos na election updates.

Samantala, ibinulgar ni Harbath na gagamit ang Facebook ng “artificial intelligence” para malaman nang 99.6 porsiyento ang mga pekeng account.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy