Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH dumating P23B loan mula Japan

0 392

Tinanggap ng Pilipinas ang 50-bilyong yen o halos P23 bilyon mula sa emergency support loan ng Japan para sa mga bansang apektado ng COVID-19.

Ayon sa Department of Finance, natanggap ng Pilipinas pondo nung August 14 at ito ang unang nakatanggap ng emergency support loan ng Japan para sa mga apektado ng COVID-19.

Sabi ng DoF, ang pautang ay para tumulong sa administrasyong Duterte na awatin ang pagkalat ng COVID-19 pandemic at magbigay na “economic relief” sa mga Pilipinong apektado ng pandemya.

Dagdag pa ng DOF, ito ang pinakamabilis na pautang na nakuha mula sa Japan.

Inaprubahan ng Development Budget Coordination Committee ang pagkuha ng pautang nung June 10 at naproseso ito sa loob lamang ng 14 na araw kaya napirmahan na agad nung July 1.

Sabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, mahalaga ang pautang na ito para may pantustos ang gobyerno na aasa muna sa pangungutang para pondohan ang mga pangangailangan nito.

Ang pautang ng Japan ay 0.01% lamang ang interes at may apat na taong grace period bago ito kailangang bayaran sa loob naman ng 11 taon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.