Una sa Balita

PH delegation sa Rio, hindi raw basura

By
0 3

Ipinagtanggol ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco ang performance ng delegasyon ng Pilipinas sa katatapos na Rio Olympic Games sa pagsasabing hindi “basura” ang mga sumabak na atleta doon.

Napilitang magsalita si Cojuangco matapos ungkatin ni Sen. Manny Pacquiao, chair ng senate committee on sports, kung bakit hindi pa makasungkit ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics.

“Ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi natin makamit ang gold?,”tanong ni Pacquiao sa hearing.

Unang sumagot si Ed Picson, executive director ng ABAP, nang sisihin nito si Pacquiao, na tumangging sumabak sa Olympics.

“Siguro kung lumaban kayo may gold medal na tayo,”diin ni Picson.

Matatandaang sa bagong rules ng AIBA, pinayagan na ang pagsabak ng mga professional boxers sa Olympics at pagkakataon na umano sana ng Pilipinas kung pumayag si Pacquiao na lumahok.

“May trabaho tayo, ayaw nating umabsent,” rason naman ng eight-division champion-cum senator kung bakit hindi siya lumaban sa Olympics.

Sa mga linya ng pagtatanong ni Pacquiao ay nagsalita si Cojuangco at nakiusap na huwag kondenahin ang performance ng mga atleta.

“Ayoko lang pong lumabas na itong delegasyon sa Olympics eh mga basura,”diin ni Cojuangco.