Una sa Balita

Ph cycling team sasabak sa Melbourne

By
0 65

Lilipad papuntang Melbourne, Australia ngayong araw ang 7-Ele­ven Road Bike Philippines para makipaggitgitan sa mga World Tour riders sa Jayco Herald Sun Tour.

Hindi na nagsayang ng oras ang Philippine team, nagdesisyon nang umalis matapos makuha ang kanilang mga visa noong Biyernes.

Magsisimula ang karera sa Pebrero 1 hanggang 5.

Nabigong makasali ang Phl team sa New Zealand Classic nakaraan matapos magka problema sa kanilang visa.

Isa ang Pilipinas sa anim na Continental squads na naimbitahan sa prestihiyosong event, kasali rin ang dalawang World Tour teams, anim na Pro Continental at da­lawang National Teams ng New Zealand at host Australia.

Ang mga miyembro ng Road Bike Philippines ay sina Mark Galedo, Marcelo Felipe, Rustom Lim, Edgar Nieto, Jesse Ewart, Craig Evers at Josh Berry.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy