Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH consulate sa Dubai kinandado sa virus

0 172

Pansamantalang isinara ang Philippine Consulate General sa Dubai para isailalim sa disinfection dahil sa posibleng exposure ng tanggapan sa COVID-19.

Base sa abiso na inisyu ng konsulado, dalawang araw (Enero 17 at 18) na pansamantalang sarado ang kanilang tanggapan bilang pag-iingat laban sa coronavirus.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman binanggit kung may staff na nagpositibo sa COVID-19 o nagkaroon ng close contact sa taong may sakit nito.

Pinayuhan din ang kanilang mga naging kliyente ng araw na iyon na magpa-COVID test din sa lalong madaling panahon.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.