Una sa Balita

PH climate change program may $10M sa UN-GCF, $58M grant

0 388

MASIGLANG tinanggap ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang balitang aprub na ang $10-million grant ng United Nation Green Climate Fund’s (UN-GCF) sa Climate Change program ni Pangulong Duterte at may kasunod pa itong $58 milyon sa Pebrero sa susunod na taon.

Pinagtibay ng GCF Board ang $10 million grant sa ika-24 na pulong nito sa Songdo, South Korea nitong nakaraang lingo para sa panukalang ‘multi-ha­zard impact-based forecasting and early warning system (MH-IBF-EWS)’ sa Pilipinas kasama ang Legazpi City na bahagi ng ika-2 ‘congressional district’ ni Salceda.

Ang GCF ay isang ‘specialized UN financing mechanism’ na nilikha upang pondohan ang mga inisyatibong magbabawas sa ibinubugang ‘carbon’ sa kalawakan, at mga proyektong magpapala­kas sa kakayanan ng mahihirap na bansa laban sa pananalasa ng masamang panahon na bunga ng climate change.

Ayon kay Salceda, layunin ng programa ng Pilipinas na “tiyaking­ maisama sa ‘climate risk profile’ ng bansa ang lahat ng panganib kaugnay sa climate change gaya ng isinasaad sa ‘Climate Risk Management Framework (CRMF)’ para sa mga LGU, at isangkot ang lahat ng institusyon, kasama ang mga unibersidad at grupo ng pribadong mga eksperto sa sa pagbalangkas at pagtatag ng mga sistema para mabuo ang naturang ‘climate risk profile.’”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy