Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH bubuti sitwasyon sa Hunyo – presidential adviser

0 232

Inaasahan ng isang presidential adviser na bubuti na ang sitwasyon sa bansa pagsapit ng Hunyo, kung kailan nakatakdang dumating ang COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang brands.

Sabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, kinumpirma na ng AstraZeneca ang paglapag sa Pilipinas ng 1.3 milyong doses ng bakuna nito sa unang linggo ng Hunyo.

Samantala, darating din aniya sa parehong panahon ang 100,000 doses ng Moderna bakuna.

“Ang maganda rito, by June, things will be better because we will start vaccinating a lot of people,” Ani Concepcion sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo kahapon. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.