Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH bokya sa Omicron, Delta 38 bagong kaso

0 102

Wala pang na-detect na Omicron variant sa huling batch ng samples na isinailalim sa whole genome sequencing.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health, University of the Philippines-Philippine Genome Center, at University of the Philippines-National Institutes of Health sa 48 sample Isinailalim sa whole genome sequences nitong Disyembre 8.

Sa 48 samples, 38 ang delta variant habang ang iba ay walang na-detect na variants.

Nabatid na 12 ang returning overseas Filipinos (ROFs), at 36ang lokal na kaso na mula sa mga lugar na mataas ang ang daily attack rates at case clusters.

Sa karagdagang 38 Delta variant cases, 31 ang local cases at pito ang ROFs. Dalawang ROFs ang may history mula sa Turkey at ang isa pang ROF ay mula sa Jordan, Mexico, Netherlands, Panama at Peru. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.