Una sa Balita

PH BLU GIRLS SASALANG SA WORLD CUP OF SOFTBALL XI

By
0 192

Makikipaghambalusan ang Philippine national women’s softball team o Blu Girls laban sa mga astig na softbelles sa World Cup of Softball XI  2016 sa ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City, USA sa Hul­yo 5-10.

Unang makakapaluan ng world No. 23 Pili­pinas ang No. 2 Estados Unidos sa Hul. 5, no. 6 China sa Hulyo 6, no. 11 Puerto Rico sa umaga at top ranked reigning world champion Japan sa gabi ng Hul. 7, no. 19 Venezuela at no. 7 Netherlands sa Hul. 8, at no. 3 Australia sa Hul. 9 bago ang finals kinabukasan.

Nasa kumpetisyon din ang No. 4 Canada, no. 8 New Zealand, no. 10 Czech Republic, no. 14 Mexico, at ang USA Elite ng host country rin sa torneong may record 12-team entries sa taong ito.

Tatrangka sa Piny clouters sina Fil-Ams Gabrielle Maurice, Dani Gilmore, Chelsea Sui­tos, Sierra Lange at Garie Blando.

Kasama nila ang homegrown talents na sina Riflayca Basa, Analie Benjamen, Angeli Ursabia, Floriabele Pabiana, Mary Kuisse Garde, Cristy Joy Roa, Dione Macasu, Rizza Bernardino, Kriska Piad, Mary Ann Antolihao, Franchesca Altamonte, Arianne Val­lestero, Celestine Palma, Roxzell Niloban at Lorna Adorable.

Nabatid kay Amateur Softball Association of the Philippines operations head Ismael Veloso III na ang torneo’y panimula ng kanilang hakbang sa adhikaing makapalo sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa 2020.

Sunod na destinasyon ng Blu Girls pagkaraan ng Oklahoma ang 15th Women’s Softball World Championship sa Surrey, Canada sa Hul. 15-24 kung saan ka-Group F ng bansa ang Czech Republic at Pakistan at Netherlands na mga makakalaban sa Hul. 15-17.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More