Una sa Balita

‘PH basic education’ iaangat pa

0 241

Naghain ng dalawang panukalang batas si Albay Rep. Joey Salceda sa Kamara na naglala­yong lalo pang itaas ang antas ng ‘Philippine basic education’ para ipantay sa pandaidigang pamantayan.

Ang isa, HB 311 ay isusulong ang ‘state-of- the art school system,’ at ang pangalawa, HB 304, ay titiyaking ma­ginhawang makakapasok sa mga paaralan ang mga mag-aaral sa liblib na mga pamayanan.

Sa ilalim ng HB 311, ayon kay Salceda, mag-aaral ang mga kabataan sa loob ng mga ‘digital classrooms’ na kumpleto sa mga kagamitang ‘digital’ para maging katulad din ng mga kabataan sa mayayamang mga bansa.

Sa kabilang dako, layunin naman ng HB 304 o “Last Mile Schools,” na tiyaking maginhawang makakapasok sa paaralan ang mga kabataan sa mga liblib, mahirap at magulong mga pamayanan at tiyaking may maayos na mga karsada patungong paaralan at “hindi kailanman makukumpromiso ang buhay ng mga kabataan na kailangang tumawid sa ilog, at maglakbay sa mga gulod na walang kalsada, makapasok lamang sa klase nila.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy