Una sa Balita

PH Azkals sasagupa sa China

0 230

TINANGGAP ng Philippine Football Federation (PFF) ang imbitasyon ng Chinese Football Association para sa isang International Friendly sa pagitan ng Philippine Men’s “A” National Team at China PR Men’s “A” National Team sa Hunyo 7, 2019 na gaganapin sa Guangzhou, People’s Republic of China.

Gagawin ang friendly match habang isinasagawa ang FIFA International Match Window na kung saan ang laro ay magsisilbing pinakaunang opisyal na laban ng Pilipinas matapos nito maisakatuparan ang unang pagtuntong sa AFC Asian Cup nito lamang nakaraang Enero 2019.

Ang friendly match ang ika-24 na pangkalahatang paghaharap sa pagitan ng dalawang bansa sapul pa noong 1913.

Ang huling laban ng dalawang bansa ay noong AFC Asian Cup UAE 2019 group stage. Nagwagi ang China sa laban sa iskor na 3-0.

Matapos ang friendly match, ang Pilipinas “A” team ay magkakaroon din ng practice match kontra sa isang local club sa Hunyo 9, 2019 sa Guangdong Province sa China.

Ang dalawang laban ay magsisilbi naman na parte ng paghahanda ng koponan para sa inaabangan na Preliminary Joint Qualification Round 2 ng FIFA World Cup Qatar 2022/AFC Asian Cup 2023 na sisimulan sa Setyem­bre 2019. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy