Una sa Balita

PH Azkals alpas sa Fiji Bula Boys

By
0 2,973

Nagpundar ng three-goal advantage ang Philippine Azkals na kinapitan nang mag-rally sa dulo ang Fiji Bula Boys para itakas ang manipis na 3-2 panalo sa international friendly, Huwebes ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.

Unang binasag ng Filipinos ang sco­ring sa 30th minute nang makalusot kay Fiji goalkeeper Epeli Loaniceva ang penalty kick ni Phil Younghusband nang ma-foul si Misagh Bahadoran sa loob ng box.

Sa 53rd, dinoble ni Jikaru Minegeshi ang iskor ng Azkals nang mag-isang atakehin ang goal. Makalipas ang higit 10 minutes, si Kevin Ingreso naman ang nagpahalik ng bola sa net tungo sa 3-0.

Abante Hiring – IT dep

Pero hindi nasiraan ng loob ang Bula Boys, umiskor sa 74th si Ame Votoniu bago nagbaon ng penalty kick si Roy Krishna para dumikit sa 3-2.

Nagkumahog pa hanggang dulo ang Fiji pero naubusan na ng oras.

Ang friendly kontra Fiji ay bahagi ng paghahanda ng Azkals laban sa Tajikistan na dadayo ng Manila sa Marso 27 sa kanilang AFC (Asian Football Confederation) Asian Cup Qualifier.

Hindi nagustuhan ni Azkals coach Thomas Dooley ang depensa ng kanyang mga bataan sa final 20 minutes nang muntik pang tumabla ang Fiji.

“It was just too slow,” ani Dooley. “If we play like this against Tajikistan, it won’t be enough.”

Kailangan ng Filipinos na makahirit ng draw kontra Tajikistan para sa unang pagkakataon ay mag-qualify sa AFC Asian Cup.