Una sa Balita

PH athletes nagpagpag ng jetlag

0 128

RIO DE JANEIRO — Nagpagpag muna ng jetlag nitong Lunes ang mga miyembro ng Philippine delegation, kasama ang anim na atletang naunang ­dumating dito.

Maliban kay flag-bearer Ian Lariba ng table tennis, ang iba pang atleta ay nagpa-easy-easy muna matapos ang mahabang biyahe mula Maynila.

Nagpapawis ng konti si Lariba, kasama ang South Korean coach na si Mi Sook Kwon, silver medalist sa 1999 World Championships.

“We did just enough,” ani Lariba, 21, unang atletang sasalang sa aksiyon matapos ang opening ceremony.

Samantala, posibleng hindi makasama ang lahat sa parada ang 12 athletes ng Team Philippines sa opening ceremony sa darating na Agosto 5.

Related Posts

Dinadahilan ng mga coaches na baka masobrahan sa pagod ang mga atleta lalo na ang may mga laban na agad kinabukasan.

May laro agad kinabukasan, August 6 sina flag-bearer Ian Lariba sa table tennis women’s singles sa umaga, boxers Rogen Ladon sa men’s light flyweight at Charly Squarez sa men’s flyweight, at swimmer Jessie Khing Lacuna sa men’s 200-meter butterfly kinahapunan.

Sa Aug. 7 naman ang buhat nina weightlifters Hidilyn Diaz at Nestor Colonia.

Wala pa mang komento ang ilang coaches, kinumpirma ng coach nina Diaz at Colonia na hindi na niya pasasamahin sa parada ang dalawa niyang player.

“Maski dalawang araw ang pagitan bago sila lumaban, mahaba ang opening ceremony at ang parada. Mahirap para sa lifters na pagod at bubuhat sa ganu’ng araw lang ang pagitan,” esplika ni coach Alfonsito Aldanete.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy