Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH Army, LGU, Tau Gamma Phi sanib-puwersa sa serbisyo caravan

0 95

Matagumpay ang idinaos na ‘Grand pulong-pulong/Serbisyo caravan’ ng pinagsanib na puwersa ng PH Army, local government ng Botolan, katuwang ang Tau Gamma Phi sa Barangay Maguisguis (Old), Botolan, Zambales nakaraang linggo.

Ang nabanggit na mga grupo ay nagtulung-tulong para makapaghatid ng serbisyo sa mga naninirahan sa liblib na barangay ng Maguisguis.

Sa panig ng PH Army ay pinamunuan ito ni 3rd Mechanized Infantry (MAKATARUNGAN) Battalion, Armor(PAMBATO), Division, Philippine Army LTC Jeszer M. Bautista ARM(GSC) PA, Commanding Officer.

Ang mga nakiisa namang ahensya ng gobyerno ay kinabibilangan ni Botolan Mayor Doris E. Maniquiz, kasama ang Municipal Social Welfare Development Office, Municipal Agriculturist Office, Municipal Civil Registrar Office at TESDA-Iba, Zambales.

Hinatid ng mg nasabing tanggapan ng gobyerno ang serbisyo sa mga taga-Barangay Maguisguis bilang bahagi ng mas pinaigting na programa ng gobyerno na ilapit sa mga tao ang serbisyo ng ating gobyerno.

Ang TAU GAMMA PHI-Loob Bunga chapter naman ang nangasiwa sa pagkain ng mga dumalo sa nasabing aktibidad.

Nasa 83 family head at 250 indibiduwal ang nakinabang sa inilunsad na pulong-pulong at serbisyo caravan ng nabanggit na pinagsanib na puwersa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.