Una sa Balita

PH Ambassador to Lebanon nasawi sa coronavirus

0 539

Pumanaw nitong Huwebes nang umaga, Abril 2 si Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla dahil sa mga komplikasyon sanhi ng coronavirus disease (COVID 19). Siya ay 62 taong gulang.

Kinumpirma ito Department of Foreign Affairs (DFA) sa inisyung statement. Siya ang kauna-unahang career diplomat ng Pilipinas na nasawi sa COVID-19.

“With deep sadness, the Department of Foreign Affairs announces the untimely demise on 2 April 2020, of Ambassador Bernardita Catalla, Philippine Ambassador to Lebanon, from complications arising from Covid 19. “ayon sa report ng DFA.

Si Ambassador Catalla ay 27 taon nang career diplomat at kabilang sa kanyang hinawakan ay ang post sa Kuala Lumpur,Malaysia at Jakarta, Indonesia. Naging Passport Director din siya ng DFA

Bago naging Ambassador sa Lebanon, naging Consul General sa Hong Kong si Ambassador Catalla.

Siya rin ang nanguna sa mass repatriation program ng Philippine Embassy sa Beirut mula December 2019

Si Ambassador Catala ay kilalang matulungin sa kanyang pamilya, kaibigan at kasamahan sa trabaho.(Armida Rico)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More