Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH Air Force binida unang bebot na fighter pilot

0 103

IPINAKILALA ng Philippine Air Force (PAF) ang kauna-unahang female fighter pilot sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.

Sinabi ni PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano na ang Air Force ay gumawa ng kasaysayan sa pagkakaroon ng unang female fighter pilot.

Kinilala ni Col. Mariano ang Filipina history maker na si 1Lt. Jul Laiza Mae Camposano-Beran, mula sa 5th Fighter Wing.

Si 1Lt. Camposano-Beran, PAF ay nag-check out na bilang first female AS-211 combat mission ready pilot at wingman.

Sinabi ng PAF statement, na si 1Lt. Camposano-Beran ay isang native ng Tulunan, Cotabato. Miyembro siya ng Philippine Military Academy SINAGLAHI Class of 2015.

Si 1Lt. Camposano-Beran ang nagsilbing 5th female sa akademya na nakatanggap ng Athletic Saber Award sa mahigit 170 members ng kanyang klase.

Nagtapos siya ng Military Pilot Training noong 2017 sa Philippine Air Force Flying School. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.