Una sa Balita

PH 3X3 TEAM VS ROMANIA

By
0 1

Matapos ang ilang linggong training, makikilatis ang Team Pilipinas sa FIBA 3×3 World Cup sa Nantes, France laban sa Romania.

Ang mga miyembro ng Philippine team ay sina NCAA Division I, Kobe Paras, amateur stars Kiefer Ravena at Jeron Teng at PBA player JR Quinahan, haharapin nila ang seventh-seed Romania sa Group B.

Kasama ng mga Pinoy cagers si Anton Altamirano, pangalawang laro nila ang France kung saan ay seeded 18 sila sa 20 teams.

Sa pagpapatuloy ng Pool play, makakalaban ng Philippine squad ang second-seed Slovenia bukas, (Martes) at huling kalaban ang El Salvador.

Ang top two teams sa apat na grupo ay sasampa sa quarterfinal round.

Kinalawit ng top-seed Serbia ang unang dalawang laro nila sa Group A kontra Egypt, 17-15, at Russia, 20-17.

Kinaldag ng fifth-seed Netherlands ang South Korea, 22-6, at No. 4 United States, 19-12, sa Group D.