PH 3X3 team: Split sa opening

By

Tinangkang butatain ni Kobe Paras ng ­Pilipinas ang layup ni Angelo Tsagarakis ng France sa second game ng kanilang opening match sa FIBA 3×3 World Cup sa France. (FIBA.com)

Na-split ng seeded 18th Pilipinas nina Kobe Paras, Kiefer Ravena, Jeron Teng, at JR Quinahan ang first two assignments sa 4th FIBA 3×3 World Cup 2017 sa Parc des Chantiers de I’lle sa Nantes, France kama­kalawa (kahapon sa Maynila).

Ginitla muna ng mga Pilipino ang 7th seed ­Romania, 21-15, sa unang sabak sa 20-nation, 6-day cagefest. Pero tumilapon laban sa 10th seed Frenchmen para sa 1-1 win-loss record kung saan nakakuha nang paborableng tawagan ang host team.

Nakatakdang makasalpukan ng mga Pinoy ang se­cond seed Slovenia sa ala-1:40 ng hapon (alas-7:40 ng gabi sa Maynila) at ang 15th seed El Salvador sa alas-tres ng hapon (nine evening Manila time) sa nagbukas na hoopfest noong Hunyo 17 at at matatapos bukas.

Makaraan ang dalawang laro, nasa pangkalahatang 11th place si Paras sa 18 points, nasa 32nd si Ravena na may siyam na puntos at 64 at 65th sina Quinahan at Teng na mayroon lamang tig-apat na mga puntos.

Agad naghabol ang Pilipinas sa Romanians sa kaagahan, 4-7,  bago naagaw ang trangko nina ­Paras, Ravena, at Quinahan sa 9-8. Isang tres ni Ravena ang nagbigay sa Pilipinas ng 17-15 abante bago hinakot ni Paras ang huling apat na puntos mula sa isang tres para sa 19-15.

Nakaagaw pa ng bola si Paras upang ma-foul sa three-point area at isalpak ang dalawang freethrows para angkinin ang panalo.   

May 2-0 ang France at Slovenians sa Pool B kung saan kabilang ang Philippines na kailangang tumapos ng top 2 upang makasulong sa knockout quarter­finals, semifinals, at finals. 

SHARE