Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH 3×3 hinog na sa Olympics

0 273

NANINIWIALA si Pilipinas 3×3 Commissioner Eric Altamirano na mas malaki ang tsansa ng bansa na magkuwalipika sa Olympics.

Ito ay matapos na tuluyang kilalanin at isertipika ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 bilang isang professional league sa pagpayag ng Games and Amusement Board (GAB).

“I really believe that we Filipinos have a very strong chance of excelling in this sport. We all know what happened last year. For the first time, we were able to qualify for the Olympic Qualifiers,” paliwanag ni Altamirano.

Binuo lamang nakaraang taon ang liga sa tulong ng Bounty Agro Ventures, Inc at president na si Ronald Mascarinas sa pagnanais na rin nitong tulungan ang bansa na makapagtipon ng kailangang world ranking FIBA 3×3 points para makasungkit ng silya sa Olympics. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.