Una sa Balita

PGH niretoke para maging COVID hospital

0 433

Puspusan na ang pagsasaayos ng Philippine General Hospital (PGH) na gagamitin para maging referral hospital para sa COVID-19.

Ayon kay Dr.Jonas del Rosario, spokeperson ng PGH,tinatapos na ang konstruksiyon, paglilipat ng mga equipment dahil malaking pagbabago ang ginawa sa sistema.

Sinabi ni del Rosario na sa Lunes ay maari nang tumanggap ng pasyente na may sintomas ng COVID-19.

Gayunman,sinabi ni del Rosario na tanging ang mga nagpopositibo lamang sa COVID19,ang tatanggapin nila sa PGH referral hospital.

“Ang gusto namin ,ay iyong mga na screen ng pasyente at talagang nagpositibo na sa COVID-19,ang gagamutin naming pasyente,kasi sayang ang kama,”ayon kay del Rosario.

Kasabay nito,nanawagan si del Rosario,sa gobyerno na dagdagan pa ang mga referral hospitals para sa COVID19.

Samantala,sinabi ni del Rosario na mayroon 24 na kaso ng COVID-19, ang PGH at 20 ay pawang mga Patients Under Investigation (PUIs) habang apat ang positibo sa COVID-19.

Nangangamba si Dr. Jonas Del Rosario na marami pang PUIs na positibo sa COVID19 pero hindi pa lumalabas ang kanilang resulta.

Sinabi rin ni del Rosario na may dalawa na silang health workers na itinuturing na PUI.(Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More