PGH hirap sa lumolobong kaso ng COVID

0 316

Nanawagan ang isang nars sa Philippine General Hospital sa mga tao na huwag nang lumabas ng bahay para hindi na magkahawahan sapagkat hindi pa handa ang mga ospital na hawakan ang parami nang paraming kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa panyan sa CNN Philippines, sinabi ni Jill Bañares na kulang pa rin ang kanilang mga protective personal equipment at testing kits at kulang din sila sa tao.

Kung noon, nagpapalit sila ng PPE sa kada labas pasok sa operating room o sa maselang lugar sa ospital ngayon tulad ng COVID-19 section, ngayon ay diretso walong oras na nitong sinusuot para makatipid. Sa walong oras na iyon, tinitiis na lamang nilang huwag umihi, kumain, o iba pa dahil kakailanganin na nilang palitan at itapon iyon. (Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...