Una sa Balita

PGBDA semis sa San Juan ngayon

0 234

TINATAYA ang mga balikatang sultada sa air-conditioned San Juan Coliseum sa paglarga ng “Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association (PGBDA) Stagfighter of the Year” stag circuit ngayon.

Kasali sa ang PGBDA members sa pangunguns ng presidente ng samahan si Atty. Hermie Capuchino sa 4-stag semifinals na may premyong cash para tatanghaling second leg champion sa araw na ito.

Ayon nitong Linggo kay PGBDA business manager William Go, ilang kalahok din ang magtatangka sa 70 M Pambansang Digmaan 11-Stag Derby piggy bank.

Ang bagong iskedyul ng PGBDA Stagfighter of the Year series grand finals na isang 5-stag derby, ay sa Nov. 13 na, at para sa ‘Stagfighter’ at runner-up ang P300,000 at P100,000 ang gantimpala, ayon sa pagkakasunod.

Puwede na ring sumali sa ‘Digmaan’ 3-stag elims ng PGBDA sa Nov. 25, at makakausap si Michelle sa 7255 369 o sa 0905 2016 057 para sa iba pang mga impormasyon. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy