Una sa Balita

PGBDA grand finals sa Nobyembre 13

0 359

BALIKATAN ang championship fights ang inaasahan sa malamig na San Juan City Coliseum sa bitaw ng Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association 5-Stag Derby Grand Finals 2019 sa Miyerkoles, Nobyembre 13.

Pinahayag Linggo ni PGBDA business mana­ger William Go, na makikilala na rin sa petsang nabanggit ang 2019 PGBDA Stagfighter of the Year at runner -up na tatanggap ng P300,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.

Mangunguna si PGBDA president Atty. Hermie Capuchino sa mga liyamadong kasali. Kabilang siya sa mga kumuha ng third leg championship.

Ang ilan pang mga kalahok ay sina Chito Polintan, Carlos Tumpalan, Troy Paneda, William­ Go, Dado Mitra, Wilvin Sy, Vernie Legazpi, Henry So, Prime Bordones, Ricky Castillo, Benny Lim, Rod Prado, Mel Lim, William Chia, Doc Nino Mabanta, Doc Ayong Lorenzo, Batang San Juan group, Ruel Simbulan, Mike Tolentino at Cris at Palo Mercado.

“The awarding ceremonies will be announced later,” wakas ni Go.

Lalarga rin ang mga miyembro ng PGBDA sa “P70M Pambansang Digmaan 11-Stag Derby” sa Nob. 25, sa SJCC at puwede rito ang mga non-PGBDA member.
Makababatid ng iba pang mga detalye kay Michelle sa 7255 369 at 0905 2016 057. (Enjel Manato).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy