Una sa Balita

PGBDA grand finale sa Nob. 14

0 82

SA malamig at komportableng San Juan Coliseum ang grand finals ng ‘Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association (PGBDA)’ derby circuit sa Miyerkules, Nov. 14.

Isang 5-stag derby ang ikatlong leg ng PGBDA circuit, ani business manager William Go.

Si Tiny Meneses (Mirabella) ang kampeon sa first leg noong Sept. 19 habang sina Cris de Jesus (Liam Jacob) at Hector Magpantay (Rancheros Nov. 10 SMC) ang bida sa second leg Oct. 10.

Premyong P300,000 at trophy ang ibibigay sa PGBDA Breeder of the Year. 

Puwedeng sumali sa 2018 National Digmaan 11-Stag Derby sa Nob. 14 at tatlong manok lamang ang kailangan sa 3-stag elims.

Tatanggapin ang ‘Digmaan’ at ‘Bakbakan’ stags.

Tumawag lamang sa: 0905-2016057 (Michelle) or 0917-7957777 (William Go).