Una sa Balita

PGBDA derby: Grand opening sa Marso 18

By
0 298

TIYAK ang maraming sabungerong kakasa sa Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association (PGBDA) 2019 Cocker of the Year series, na may grand opening sa Lunes sa San Juan Coliseum.

Isang 4-cock derby ang first leg at maaga ang umpisa dahil hindi bababa sa 80 sultada ang mga nakalinya.

Laan ang P200,000 sa 2019 PGBDA Cocker of the Year at P100,000 sa runner–up habang may day prize rin sa bawat derby sa first, second at third leg.

“Non -members may also join. The PGBDA adopts an open invitation format in all its stag and cock derbies,” pahayag nina marketing manager William Go at Doc Nino Mabanta.

Mangunguna sa mga sasali si Doc Ayong Lorenzo ng EDL Excellence, at siyang 2018 PGBDA Cocker of the Year.

Ang ibang iskedyul ay ang second leg 4-cock derby na may P8,800 entry fee sa Abril 10, at third leg 5-cock derby na P11,000 ang entry fee sa Mayo 8.

Kontakin lang si Mitch para sa iba pang mga impormasyon sa 725-5369 o 0905-2016057.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy