Una sa Balita

PGBDA Cocker of the Year sa SJC

By
0 667

IKALAWANG leg ng 2019 PGBDA Cocker of the Year series ang ikakasa sa Miyerkoles, April 10, sa bagong air-conditioned San Juan Coliseum sa pamamagitan ng 4-cock derby.

Proyekto ng Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association (PGBDA), mangunguna sa derbi sina PGBDA acting president Atty. Hermie Capuchino at PGBDA business manager William Go.

Itinakda ang entry fee sa P8,800 at minimum bet na P8,800 din, dapat maipasa ang entries sa Martes, Apr. 9 hanggang 9 p.m. sa SJC office.

Si first leg champion Rey Claudio (Amare) ang may 4 puntos sa ‘Cocker’ race kasunod sina three pointers Buddy Robrigado (Big R), Benny Lim (SG Blum), Engr. Val Bertes (V2B Farms), Rod Prado (Noshikatemo 368 GF), Bagay Brothers (#58 ANAC – IP Partylist 168), Leonard and JP (PWD) at Wilvin Sy (July 24 BNTV Cup).

Tatanggap ang 2019 PGBDA Cocker of the Year at runner-up ng P200,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.

Tuloy ang ikatlo at huling­ leg sa May 8 (5-cock derby, P11,000 entry fee).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy