Una sa Balita

Petron, F2 ubusan sa knockout finale

0 415

Sudden-death finals ngayon:

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

4:00pm — Foton vs Cignal

7:00pm — Petron vs F2 Logistics

IBABANGGA ni Petron Blaze Spikers head coach Shaq Delos Santos ang kanyang national team members na sina Rhea Dimaculangan, Mika Reyes at Frances Molina pagharap nila sa F2 Logistics Cargo Movers sa sudden-death finals ng Philippine Superliga Invitational Conference na gaganapin sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Aminado si Delos Santos na nais nilang masikwat ang korona at masaya ito dahil nagkaroon sila ng tsansa na muling maging kampeon sa nasabing liga.

“I’m glad that we are given another chance to redeem ourselves. Being in the finals of the Invitational Conference is a blessing, it is an opportunity to pick up the pieces and become a PSL champion once more.” saad ni Delos Santos.

Si Delos Santos ang gagabay sa Philippine team na sasabak sa Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11,

Magsisimula ang bakbakan sa alas-7 ng gabi pagkatapos ng battle for third sa pagitan ng Cignal HD Spikers at Foton Tornadoes sa alas-4 ng hapon.

“Each win is a chance for us to gain confidence,” ani Delos Santos, “We want to leave this conference with a bang and walk into the SEA Games with high morale.”

Inaasahang dadaan sa butas ng karayom ang Blaze Spikers dahil naglalaro na ang pambato ng Cargo Movers na si Filipino-American Kalei Mau.

Bukod kay Mau, may nat’l members din si F2 Logistics coach Ramil De jesus na ibabandera ito’y sina national team members Aby Maraño, Dawn Macandili at Majoy Baron. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy