Una sa Balita

Petron Blaze Spikers aapoy pa kay Rondina

0 287

2019 PSL All-Filipino Conference Team Preview

SIMULA na ang kampanya ng defending champions na Petron Blaze Spikers para sa inaasam na three-peat title sa All-Filipino Conference ng Philippine Superliga 2019.

Kakayod ngayon ang Petron­ para masiguro na sila muli ang magrereyna sa conference­ nito.

Muling kakapitan ni coach Shaq delos Santos ang ace player na sina national team member Ces Molina, Mika Reyes at Aiza Maizo-Pontillas pati ang pagbabalik tropa ni UAAP Season 81 MVP Sisi Rondina.

May bagong dagdag din sa roster ng tropa gaya ni Denden Lazaro, Chinchin Basas at si Annel Esguerra, na galing sa kabilang liga.

Bukod sa mga ­starter, mabigat din ang bench ng defending­ champions sa pa­ngunguna ni Bernadeth Pons, Rem Palma, Chloe Cortez, Carmel Tunay, Angel Legacion at Buding Duremdes. (Fergus Josue,­ Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy