Una sa Balita

PetroGazz namayagpag

0 346

Angels fly high!

Naging tampok sa kaliwa’t kanang pahayagan, volleyball websites, Twitter at Facebook kamakailan ang PetroGazz Angels.

Ito’y matapos nilang pagreynahan ang 2019 Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Sa lahat ng kanilang mga doubter, basher at katakot-takot na bilang ng mga nagdudunung-dunungan na volleyball fans sa bansa (Ooops! Tamaan sapul! ha ha ha), pinatunayan ng PetroGazz na gaya ni David, ay kaya nilang tibagin ang Goliath o ang powerhouse at defending champions Creamline Cool Smashers­ na pinamumunuan ni league MVP Alyssa Valdez.

Mula sa 5th place finish noong nakaraang taon, biglang akyat sa tuktok ang Angels.

Naunang yumukod sa finals opener ang Angels 24-26, 25-16, 25-16, 25-22. Ngunit hindi sila pinanghinaan ng loob para bumawi sa Game 2, 15-25, 25-22, 25-22, 25-12 para maipuwersa sa decider ang laban.

Sa rubbermatch noong Hulyo 14, lalong kumapit ang Angels na maiuwi ang kampeo­nato.

Salamat sa tandem nina Cuban Import Wilma Salas at American Janisa Johnson na siyang malaking bahagi ng 1st crown ng Angels sa PVL.

Si Salas ang itinanghal ng Best Foreign Player ng Reinforced Conference habang si Johnson naman ang kinilalang Finals MVP matapos ang winner-take-all Game 3 finals kung saan pinayukod ng Angels ang Cool Smashers­ sa apat na set 25-15, 28-30, 25-23 at 25-19.

Sa lahat ng PVL team, PetroGazz lang ang nakatibag sa crowd-favorite Creamline.

Patunay ang Angels na walang imposible basta’t may iisang mithiin, determinasyon, team work at pagsisikap ang bawat isa ay kakayaning maabot ang lahat ng kanilang mga pangarap.

Sa may mga suhestiyon sa mga future topic natin, maaari ninyo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com.

Maaari ninyo rin pong i-follow ang ating official Twitter page at @AbanteNews para makasagap ng mga balitang trending online.

Hanggang sa susunod nating isyu, salamat sa suporta YANGsters! Mag-ingat po kayo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy