Una sa Balita

Petra Mahalimuyak natanso ng 2 bading

0 672

Two years na raw single ang YouTube sensation na si Ashley Rivera o Petra Mahalimuyak. Since naghiwalay sila ng boyfriend niya, hindi pa raw niya nahahanap ang lalake na karapat-dapat sa kanya.

Nag-iingat na rin daw kasi si Ashley sa pakikipag-date dahil twice na siyang natanso ng inakala niya ay mga tunay na lalake.

“Naku, pass muna ako sa pakikipag-date. Ayokong matanso ulit ng bading! Imagine, pati ako naging biktima ng mga nagpapanggap na lalake!” malakas na tawa ni Ashley.

After daw kasi niyang makipaghiwalay sa kanyang boyfriend noong 2017, sinubukan niyang makipag-date sa iba. Parehong male models pa raw ang mga ito kaya wala raw napansing kakaiba si Ashley.

“Yung unang model, grabe ang guwapo. Na-meet ko siya sa isang photoshoot. He asked me out at pumayag naman ako. Aba, after our date, biglang may tumawag sa akin na beki at nalaman kong bading pala `yon.

“After that, I met another male model. Guwapo rin and we went out. Gano’n din nangyari.

“Grabe naman, ako ba ay nakaka-attract ng mga beki o gusto lang nila akong pang-props? Kaya after those two unfortunate dates, ayoko na muna.
Maghihintay na lang ako ng lalakeng dumating and hopefully tunay siyang lalake!” natatawang pagtatapos ni Ashley na gumaganap bilang Chesi sa GMA teleserye na The Better Woman. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy