Una sa Balita

Petisyon sa pagkansela ng mga COC nina Alan, Lani umusad na

By
0 682

UMUUSAD na sa Commission on Elections (Comelec) ang pagdinig ng petisyon sa pagkakansela sa certificates of candidacy (COC) ng mag-asawang ­dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at Mayor Lani Cayetano bilang mga kandidato sa pagi­ging kongresista ng da­lawang distrito ng Taguig City sa darating na May 13 elections.

Ang petisyon ay ­batay sa apela nina Atty. Emil Marañon III at Leonides Buac Jr. ng Signal Village sa Taguig hinggil sa mga hindi tama o maling nilalaman ng COCs ng mag-asawang Cayetano.

Sa petisyon sa Comelec, ang unang isyu ay ang hindi malamang petsa kung kailan talaga lumipat si Lani sa Two Serendra sa Fort Bonifacio dahil magkaibang detalye ang isinumite nila sa Comelec.

Kapansin-pansin din na ang umano’y tinitirhang unit ni Lani sa Serendra ay isang single-bedroom unit lang, at ito rin ang ginagamit nina Rep. Pia Cayetano at Lino Cayetano.

Ikatlong isyung nakasaad sa petisyon ay ang nakasaad sa COCs na magkaibang ‘domiciles’ ng mag-asawang Cayetano na kinumpirma ng kanilang mga abogado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy