Una sa Balita

Petisyon sa ₱336B palit-shares ng San Miguel, binasura ng SEC

By
0 514

IBINASURA ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang petis­yon laban sa San Miguel Corporation na inihain ng Josefina Multi Ventures Corp. para obligahin ang San Miguel na aluking bilhin ang shares ng ibang mga may-ari ng San Miguel Food and Beverage Inc. (SMFBI).

Sa isang disclosure kahapon, sinabi ng San Miguel na naglabas ng desisyon ang special hearing panel ng SEC noong February 22 na nilagdaan nu’ng February 19.

“The SEC special hearing panel dismissed the petition for lack of merit,” sabi ni San Miguel corporate secretary Mary Rose S. Tan.

Binili noong nakaraang taon ng San Miguel ang shares ng SMFBI kapalit ng shares ng Ginebra San Miguel at ang transaksyon ay nagkakahalaga ng P336 bilyon.

Kinuwestion ng Josefina Multi Ventures Corp. ang pag-swap ng shares dahil sa palagay nito, dapat inalok din ng San Miguel na bilhin ang shares ng ibang mga shareholder ng SMFBI.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy