Una sa Balita

Petisyon para mabisita ng ex-lover, fake news — De Lima

0 346

MULING binanatan ni Senador Leila de Lima ang mga tinawag nitong taga­pagpakalat ng fake news makaraan aniyang doktorin ang kanyang larawan at palabasin na naghahain siya ng petisyon sa Korte Suprema upang payagan ang dati niyang lover na mabisita siya sa kulungan.

Ayon kay de Lima, panibagong disinformation ang larawan laban sa kanya at isa na namang produkto ng malisyosong pag-iisip upang sirain ang kanyang reputasyon.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng mga kuwestiyonableng Facebook pages ang nag-share ng dinoktor aniyang larawin nito hawak ang dokumento ng petisyon upang payagan si Ronnie Dayan na mabisita siya sa kulungan isang beses kada linggo.

Ang orihinal aniyang larawan ay inilabas ng Agence-France-Presse noong Nobyembre 7, 2016, na nagpa­pakita ng larawan ng kanyang petition for writ of habeas data. (Dang ­Samson-Garcia/Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy