Una sa Balita

Petisyon ni Bongbong sa PET, pinababasura ni Leni

By ,
0 191

Umapela kahapon sa Presidential Electoral Tribunal (PET) si Vice President Leni Robredo na ibasura ang petisyon ni dating Sen. Bongbong Marcos na humihiling na ibasura ang kanyang election counter protest.

Ayon sa kampo ni Robredo, ngayong naka-comply na sila sa pagbabayad ng cash deposit na P8M ay wala nang batayan ang inihaing petisyon ni Marcos.

“Marcos’ motion should be treated as a sham pleading that has to be stricken off the records or dismissed,” nakasaad sa mosyon ni Robredo.

Matatandaan na una nang naghain ng mosyon si Marcos sa PET nang mabigo si Robredo na magbayad ng deposito para sa kanyang counter election protest. Sa petisyon ni Marcos, iginiit nito ang Rule 34 ng 2010 Rules of the Presidential Electoral Tribunal na batayan para mabasura ang election protest kung hindi magbabayad ng deposito na itinakda ng korte.

Mayo 2 nang maba­yaran ng kampo ni Robredo ang hinihinging deposito para umusad ang kanyang protest kaya naman moot na umano ang mosyon ni Marcos.

Inamin ni Robredo na marami sa kanyang mga supporters ay natatakot na maagaw sa kanya ang kanyang puwesto subalit tiwala umano siya sa hustisya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy