Una sa Balita

Petisyon ng Rappler sa pag-ban ng Malacañang ipinaubaya na sa SolGen

0 219

IPINAUBAYA na ng Malacañang kay Solicitor General Jose Calida na sagutin ang petisyon ng Rappler kaugnay sa ipinatupad na ban para makapag-cover sa Malacañang.

Ito ay makaraang ipag-utos ng Korte Suprema na sumagot ang Malacañang sa petisyong inihain ng Rappler.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na trabaho ng SolGen na sumagot sa petisyon ng Rappler dahil siya ang abogado ng gobyerno.

“We’ll leave it to the SolGen, that’s his duty/job to respond. We will not preempt the SolGen. He’s the lawyer who will be representing these respondents and he will do what is required for him to do,” ani Panelo.

Kasabay nito, nilinaw ng kalihim na hindi pinipigilan ang Rappler na magsulat sa mga nangyayari sa Malacañang at iba pang aktibidad dahil katunayan aniya ay lahat ng statement ng Palasyo ay mayroong impormasyon si Pia Rañada.

“It cannot be a restraint because until now they are still dishing/writing news, they’re covering events, activities. In fact, Pia, lahat ng statements ko mayroon siya. So wala akong nakikitang –even if she’s not here mayroon pa rin siyang ano, alam niya pa rin ang nangyayari sa Palasyo,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy