Una sa Balita

Petisyon kontra ABS-CBN harassment lang! Marcos boy Calida binastos Kongreso

0 533

Mistulang pangha-harass umano ng gobyerno laban sa ABS-CBN ang plano ng Office of the Solicitor General (OSG) na paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para bawiin ang prangkisa ng nabanggit na television network.

Ayon ito kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kasabay ng panawagan nito kay Solicitor General Jose Calida na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ito maghain ng anumang reklamo laban sa naturang TV network.

Aniya, mistulang nababastos ang Kongreso sa gagawing ito ng SolGen dahil may mga nakasampa nang panukala sa Kamara kaugnay ng franchise renewal ng TV network.

“The solicitor general cannot frustrate and remove such po­wer by filing a quo warranto case. Furthermore, bills, including Bill 5705, have been filed in the House extending the ABS-CBN franchise. Let congress do its job by hearings these bills,” sabi ni Rodriguez.

“If Calida files a quo warranto case against the network with the Supreme Court, it would be seen as the government’s harassment of ABS-CBN and certainly a clear assault on press freedom as enshrined in our Constitution,” ayon kay Rodriquez.

Ayon kay Rodriguez, alinsunod sa isinasaad ng Section 9 ng Rules of Court, ang sinumang respondent sa mga quo warranto procee­ding ay mawawalan ng prangkisa kapag “if he is usur­ping, intru­ding into or unlawfully holding /exercising a franchise,” na hindi umano akma sa kaso ng ABS-CBN ayon sa dating dean ng San Sebastian Law School.

“ABS-CBN is a holder of a valid franchise,” pagdidiin nito.

Bukod pa dito, ang nasabing hakbang ay lantarang panghihimasok na rin sa kapangyarihan ng legislative branch na paglabag sa constitutional doctrine ng se­paration of powers sa legislative, executive at judicial branches ng pamahalaan.

Paliwanag ng kongresista, sa ilalim ng Konstitusyon, ang pagbibigay ng prangkisa sa mga broadcasting entity ay eklusibong nasa kapangyarihan ng Kongreso.
Gayunman, kinikilala naman ng kongresista ang kapangyarihan ng solicitor general na maghain ng quo warranto case.

Marami na umanong nakabinbing panukala sa Kamara kabilang ang House Bill 5705, na nagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN kung kaya’t hayaan na lamang umano ang Kongreso na gawin ang trabaho nito partikular ang pagdinig sa panukala.

“If Calida pushes through with his plan, he would be disres­pecting and denying due courtesy to Congress,” dagdag ni Rodriquez.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Public Accounts chairman Mike Defensor na ang isasampang petisyon ng OSG ay patunay lamang na tutol ito sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN.

Si Calida ay kilalang suporter ng pamilya Marcos. (JC Cahinhinan/Eralyn Prado)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More