Una sa Balita

Peter Lim pinasusuko ni Guevarra

By
0 415

MISMONG si Department of Justice (DOJ) Secretary Me­nardo Guevarra na ang nanawagan sa negos­yanteng si Peter Lim para sumuko na ito at harapin ang kasong isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi ni Guevarra na ikinukonsidera na si Lim bilang isang pugante dahil sa pagtatago nito sa mga awtoridad matapos sampahan ng kaso ng DOJ.

“There is a legal doctrine that flight is an indication – although not conclusive – of one’s guilt,” ayon kay Guevarra.

Inamin ng kalihim na hanggang sa ngayon ay walang impormas­yon ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation kung nasaan o saan nagtatago si Lim.

Nabatid na patuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad matapos magpalabas ng arrest warrant ang Makati City Regional Trial Court Branch 65 noong Agosto 14 laban kay Lim.

Ayon kay Guevarra, posibleng nasa Pilipinas pa rin si Lim dahil walang rekord ang Bureau of Immigration na lumabas ito ng bansa.