Una sa Balita

Peter Lim nakapuslit, nasa Malaysia

By
0 1,543

Inaalam ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang report na nakapuslit na umano papuntang Malaysia ang negosyanteng si Peter Lim matapos dumaan sa backdoor.

Sa ulat na nakarating kay Guevarra, sinasabing umupa umano ng barko si Lim sa Palawan at nagtungo sa Malaysia.

Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra nakatitiyak siya na matutunton rin ng mga awtoridad si Lim kahit pa ito ay nakalabas na ng bansa.

Abante Hiring – IT dep

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Makati Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Una nang nabigo ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kay Lim nang ihain ang warrant of arrest sa kanyang dalawang bahay sa Cebu.

Pinangunahan ang paghahain ng warrant ng Mabolo Police Station, kasama ang Cebu City Police Office (CCPO).

Pinuntahan ng mga pulis ang ancestral house ni Lim sa Brgy. Kasambagan at sunod na tinungo ang kanilang village sa may Brgy. Banilad ng nasabing lungsod.

Sinabi ng caretaker na may 10 taon na umanong hindi bumibisita doon si Lim kaya hindi na raw sila nagtangka pang pumasok.

Inisyu ni Acting Presiding Judge Gina Bibat-Palamos ng Makati RTC Branch 65 ang warrant of arrest matapos ihain ng DOJ noong Agosto 10 ang 2 counts ng ‘conspiracy to commit illegal drug trade’ na isang paglabag sa Section 26(b) in relation to Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.