Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Petecio nagbabatak sa Olympic Qualifying

0 294

MARAMI ang naniniwala na malaki ang tsansa ni 2019 AIBA Women’s Championships gold medalist Nesthy Petecio na makasuntok ng ticket para sa 2021 Tokyo Olympic Games.

Kaya naman posibleng isa si Petecio sa isasalang sa qualifying tournament.

Hindi lahat ng nasa ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna na miyembro ng national boxing team ang isasalang sa huling qualifying tournament.

Ayon kay national head coach Nolito ‘Boy’ Velasco, dalawa lang sa women’s at lima naman sa men’s squad ang ibabandera ng Pilipinas sa qualifying tournament na gaganapin sa Paris, France sa Hunyo.

Sa ngayon ay nagpapakondisyon si Petecio at ibang miyembro ng national boxing team, inaasahang simula sa Pebrero15 ang kanilang sparring session.

Nasa ‘Calambubble’ din si Olympic-bound flyweight bet Irish Magno.

Samantala, maliban kay Magno, ang ibang Pinoy athletes na may ticket na sa Olympics na ilalarga sa Tokyo, Japan sa Hulyo ay sina boxer Eumir Felix Marcial, pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.