Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Petecio, Marcial swak sa last 16

0 12

INAASAHANG agad makakausad ang mga Olympic medal hopeful boxer na sina Eumir Felix Marcial at Nesthy Petecio sa krusyal na Round of 16 base sa pinagbatayang Olympic ranking para sa draw ng men at women’s division sa 2020 Tokyo Olympis na magsisimula sa Hunyo 23 at magtatapos sa Agosto 8.

Ito ay matapos na makakuha ng “bye” o awtomatikong silya sa susunod na labanan sina Petecio at Marcial upang agad na makatuntong sa Round of 16 at hintayin ang kanilang makakalaban na magmumula sa unang sagupaan.

Si Marcial ay seeded no. 4 at ranked no. 3 sa men’s 75kgs sa men’s middleweight Olympic ranking habang si Petecio ay ranked no. 7 sa women’s 57kgs featherweight.

Nangangailangan sina Petecio at Marcial na manalo sa magkasunod nitong dalawang laban upang makasiguro ng medalya sa kanilang mga weight category sa nausog na Tokyo Olympics. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.