Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pessumal pipigain ni Austria

0 92

CLARK Smart Giga City – Next man up ang San Miguel Beer matapos lumabas ng bubble si Terrence Romeo Sabado ng hapon.

Sa Maynila na ipapagamot ng dating scoring champion ang dislocated right shoulder na nakuha sa 107-88 loss sa TNT noong Biyernes, pangalawang talo ng Beermen sa Philippine Cup restart.

Babalik mamaya ng Smart 5G-powered AUF gym ang five-time defending champions para harapin ang winless sa dalawang laro na Terrafirma.

SM food to go Banner Ad

Problema na ng San Miguel kung paano pupunan ang gabi-gabing double-double ni June Mar Fajardo, nalagas pa si Romeo. Nabalian ng alulod si Fajardo at sa susunod na season na makakabalik.

“Kita naman doon sa last two games namin na nami-miss ng team (si Fajardo), what more kung mawawala pa si Terrence,” ani coach Leo Austria. “Isa siya sa mga inaasahan ko na magkakaroon ng breakout game in this conference.”

Magbabalasa ang eight-time champion coach, si Von Pessumal ang inaasahang bumakas sa scoring kina Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter at Arwind Santos. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.