Una sa Balita

Personal choice ng mga pari: Pokwang napiling tagaluto para sa mahihirap

0 1,263

Ang busilak talaga ng puso ni Pokwang. Bukod sa perang inilalabas niya, at pagod at talento para maipaghanda ng pagkain ang mga nasa duty, pati na ng mga kapus-palad, nakatakda rin siyang maging tagaluto talaga ng mga nangangailangan.

Pinakiusapan nga siya ni Father Tito Caluag na maging ‘central kitchen’ o maging tagaluto ng mga pagkain na para sa mga mahihirap o nangangailangan.

Heto nga ang pinost ni Pokwang na naging usaan nila ni Father Caluag.

“Mamang game ka maging ‘central kitchen’ to cook meals for poor families? We will provide ingredients. Where are you located?” sabi ni Father Caluag.

At siyempre, oo ang sagot ni Pokwang. At kahapon nga ay excited na siyang nilinis ang malalaking banyera, kaldero para sa bago niyang kawanggawa.

“Excited na ako maipagluto kayo mga mahal ko soon…. linis-linis na para wag mainip Hahahaha father @titocaluag nasaan na po lulutuin ko?? Hahahahaha,” sambit ni Powang.

“Papaumpisahan na natin @itspokwang27,” sagot naman ni Father Caluag.

Kaya naman puring-puri si Pokwang ng mga netizen. Ang iba ay nag-alok ng serbisyo nila ng libre, na gusto nga nilang makatulong din kay Pokwang.

Well, sana all, tulad ni Pokwang. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More