Una sa Balita

Permit ng Ipilan Nickel Corp. kinansela

By ,
0 20

Kinansela ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang permit ng Ipilan Nickel Corporation (INC) para makapagputol pa ng puno at maaaring sampahan pa ng kaso.

Iyan ay matapos na mag-inspeksyon si Environment Secretary Roy Cimatu sa isang minahan ng kumpanya sa Barangay Maasin, Brooke’s Point, Palawan.

Nabatid na may 7,000 puno na ang naputol ng kumpanya sa may dalawampung ektaryang lupain sa probinsya.

Pinagpapaliwanag ng DENR ang kumpanya kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kasong pag­labag sa Forestry Code of the Philippines.

Iginiit naman ng kumpanya na legal ang pagputol nila ng puno dahil nakabimbin pa ang kanilang apela sa nakanselang environmental clea­rance certificate o ECC.

Suportado naman ng Simbahang Katoliko ang pagpapataw ng parusa laban sa Ipilan Mining Corp. na responsable sa pagputol ng maraming puno sa Puerto Princesa.

Ayon kay Bishop Socrates Mesiona ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, maraming lokal na residente ang umaasa sa mga pinutol na puno sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay dahil ang lugar ay nagsisilbing watershed ng Brooke’s Point.