Una sa Balita

Perlas Pilipinas sa PSA Forum

0 4

Ikukuwento ng mga miyembro ng Perlas Pilipinas ang kanilang naging tagumpay sa katatapos na SEABA championship sa Malaysia sa kampeonato, sa pagdalo nila sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.

Kinumpleto ng Perlas ang six-game sweep sa torneo para sa una nitong SEABA championship sapul noong 2010.

Ang koponan ay kakatawanin ni coach Pat Aquino, kasama si Julie Amos at ilang manlalaro sa public sports program na ipiprisinta ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s, at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Imbitado rin sa Forum na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 simula alas-10:30 si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios.