Una sa Balita

Perla inalala ang ‘good memories’ kay Erap

0 1,744

abante-paistaran-dondon-serminoNakakatuwang makita na ang mga beteranong artista natin ay nagbibida pa rin sa pelikula ngayon. Parang drama sa Holly­wood, na kahit may edad na ang mga artista, bidang-bida pa rin.

Anyway, sina Perla Bautista, Dante Rivero, at Menggie Cobarrubias ang tinutukoy kong mga artista na nakakatuwang makita na bumibida pa rin hanggang ngayon sa harap ng kamera.

Ang bongga nga ng love triangle nila sa pelikulang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, na entry sa Cinemalaya Film Festival (Aug. 3 to 12). May gala premiere sila sa August 8, 9pm sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines. Prodyus ito ng Cineko and Cleverminds Inc., at mula sa direksiyon ni Carlo Catu.

Kaaliw kausap si Tita Perla, na hanggang ngayon ay itinuturing na lucky charm ng maraming action star. Na kapag kasama nga raw nila sa pelikula ang beteranang aktres ay siguradong benta na ang movie nila.

May mga tanong din kay Tita Perla na hindi niya naiwasang sagutin, tulad na lang ng ‘good memories’ nila ni Mayor Erap Estrada. Alam naman ng lahat na isa si Tita Perla sa mga naunang minahal ni Mayor Erap.

‘Yun nga lang, sa dinami-rami, hinaba-haba ng kuwento ni Tita Perla, nakiusap siyang huwag na lang munang isulat, dahil matagal na nga raw ‘yon. Pero naaliw kami sa mga kuwento niya.

Pero, mas type niyang ipasulat ang mga eksena niya sa Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, na nag­hubad nga raw siya.

Kaloka nga ang kuwento ng movie nila, na iikot sa kung paano inalagaan ng isang babae ang kanyang dating asawa, at katuwang pa ang la­laking kinakasama niya ngayon.

Iñigo sobrang in love kay Maris

Sa launching ng limang bagong channelsng ABS-CBN TVplus, nilinaw ni Iñigo Pascual na matatapos na ang launching movie nila ni Maris Racal. At ngayon pa lang, sinasabi na niyang marami ang maaliw sa movie nila, na puno ng lambingan.

Ramdam na ramdam mo nga na sobrang in love si Iñigo kay Maris, na kapag kausap mo siya, nagniningning ang kanyang mga mata. Kaya nga ayaw raw niyang magpa-pressure sa posibleng kahihinatnan ng pelikula nila, dahil sa shooting nga raw nila ay sobrang nag-enjoy sila.

Anyway, marami na nga ang mapagpipi­lian na mga programa ang pamilyang Pilipino dahil may handog ang ABS-CBN TVplus, ang unang digital terrestrial television (DTT) service sa bansa, na limang bagong channel sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, at Metro Cebu simula nitong Lunes, Hulyo 30.

Dagdag sa channel lineup ng ABS-CBN TVplus ang dalawang bagong exclusive channelsna Asianovela Channel at Movie Central na may kasama pang MYX, Jeepney TV, at O Shopping.

Permanenteng magiging libre ang O Shopping na isang home TV shopping channel, samantalang naka-free trial naman ang apat na bagong channel hanggang Disyembre 31, 2018.

“Naniniwala kaming dapat mabigyan ang bawat Pilipino ng pagkakataon na mapanood sa kanilang tahanan ang mga dekalidad na mga programa. Bukod sa magbibigay saya ang limang channels sa mga pamilya, sumasalamin din ito sa aming misyon na patuloy na maghatid ng kapanapanabik na mga programa sa ating mga Kapamilya,” ani Chinky Alcedo, head of ABS-CBN digital terrestrial television.

Ang Asianovela Channel ang una at natata­nging channel sa digital free TV na handog ang iba’t ibang uncut classic at blockbuster Asian drama at movie na naka-dub sa Filipino.

Ipapalabas sa bagong channel ang mga popular at award-winning na TV series tulad ng “Goblin,” “Love in the Moonlight,” “Sensory Couple,” at marami pang iba.

Sa halagang P1,499, mapapanood na ng mga TVplus user ang dagdag na mga channel na walang monthly fee para sa mas masayang family bonding.

Samantala, marami na ring kabahayan sa bansa ang nakakaranas ng benepisyo ng DTT dahil higit sa kalahati na ng mga kabahayan sa Metro Manila ang nanonood ng telebisyon sa pamamagitan ng digital terrestrial television (DTT), ayon sa survey ng Pulse Asia (51%) at SWS (56%) noong Marso nga­yong taon.

Isa rin ang ABS-CBN TVplus sa digital properties ng ABS-CBN na ngayon ay nagtra-transition na maging isang digital company.