Una sa Balita

Perla Bautista shocking ang paghuhubad

By
0 846

Uy, aliw na aliw kami kina Tita Perla Bautista, Tito Dante Rivero at Tito Menggie­ Cobbarubias dahil isa ang pinagbibidahan nilang pelikula sa well-received ng mga tao at kritiko sa Cine­malaya.

Siyempre biased ako sa mahal kong kaibigan-tita na si Tita P, lalo pa’t nirerespeto siya bilang isa sa pinaka-mahuhusay nating aktres sa bansa. Nagpapasalamat nga siya dahil sa edad daw niyang­ 78, ay nabigyan pa siya ng lead role sa ‘Kung Paano Hihintayin ang Dapithapon’.

Although winarningan­ na niya kami sa eksenang nagpakita siya ng kanyang upper body sa dalawang shower scene niya sa movie, nagulat pa rin kami dahil at her age, buo ang loob at matapang ang pagka-aktres nito na magawa ang ganun.

Nakaka-proud lalo pa’t sa katahimikan ng movie, higit na­ming naramdaman ang drama, ang tensyon, ang humor at mensahe ng pelikula.

Kakaiba ito sa mga usual love and friendship stories dahil bukod­ sa wala itong malala­king bida, nakasen­tro talaga ng istorya sa tatlong senior stars na kapwa magagaling.

Sana nga ay maipalabas ito sa mas maraming sinehan dahil very relatable and real ang movie na ginawa ng Cineko Production at dinerek ni Carlo Catu.