Una sa Balita

Performance ng Kamara aprub sa publiko

0 318

KITANG-KITA kung paano tinututukan ng publiko ang trabaho ng mga kongresista at ito’y nasasalamin sa resulta ng pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey.

Dito ay binigyan ng publiko ang House of Representatives, sa ilalim ng pamumuno nina Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, ng ‘+49 percent net approval rating’.

Pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda, na siyang chairman ng ‘House Ways and Means Committee,’ ang naturang mataas na iskor ay ‘malinaw na pahiwatig ng pag-aprub ng publiko’ sa kahanga-hangang mga nagawa ng pamunuan, ng mga komite at lahat na kasaping mga mambabatas ng Kamara sa loob ng kulang sa tatlong buwan.

Sa survey ng SWS, lumabas na 64% ng mga Pilipino ay umapruba sa pamumuno ni Cayetano, habang 14% naman ang hindi kumbinsido kaya ‘net 49%’ ang naging iskor, na pinakamataas sa kasaysayan ng Kamara gaya din ng lumabas sa Pulse Asia survey.

Saklaw ng dalawang survey ang ‘third quarter’ ng taon na unang tatlong buwan naman ng Kamara sa ilalim ng bagong pamunuan nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy